Home NATIONWIDE P173M lotto jackpots, ‘di napanalunan

P173M lotto jackpots, ‘di napanalunan

273
0

MANDAUE CITY — Walang tumama sa Grand Lotto 6/55 nitong Sabado, Agosto 30, kaya’t mananatiling nakataya ang ₱106.8 milyon na jackpot na mas lalaki pa sa susunod na bola sa Lunes, Setyembre 1.

Lumabas ang kombinasyong 02-40-31-17-43-10 na may premyong ₱106,866,519.20, ngunit walang nakahula.

Sa Lotto 6/42, wala ring nanalo matapos lumabas ang kombinasyong 08-19-27-13-11-21 na may jackpot na ₱66,711,495.80. Ito ay madadagdag sa premyo sa susunod na draw sa Martes, Setyembre 2.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here