MANKAYAN, Benguet – Dalawamput anim na katao ang naghihimas na ng rehas na bakal matapos salakayin ng mga tauhan ng Cyber Response Unit at Regional Anti-Cybercrime Unit – Cordillera Administrative Region sa koordinasyon sa Mankayan Municipal Police Station at First Benguet Provincial Mobile Force Company ang isang illegal online raffle draw sa Mankayan, Benguet.
Nagresulta ito sa pagkakadakip sa 26 katao na nahaharap ngayon sa kasong PD 1602 (Illegal Gambling) na inamyendahan ng RA No. 9287 may kaugnayan sa Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Kaugnay nito, pinuri ni PNP Anti-Cybercrime Group Acting Director, Brigadier General Bernard R. Yang, ang PNP Anti-Cybercrime Group sa matagumpay na operasyon. REY VELASCO