Home NATIONWIDE PNP Chief Nartatez, kinumpirma na ng Napolcom

PNP Chief Nartatez, kinumpirma na ng Napolcom

421
0

MANILA, Philippines — Pormal nang kinumpirma ng National Police Commission (Napolcom) ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang acting chief ng Philippine National Police (PNP), kapalit ni Gen. Nicolas Torre III.

Ayon sa Napolcom, kailangan ang hakbang dahil iisa lamang ang maaaring humawak ng ranggong Police General. “Ito ay pagpapakita ng mandato ng Napolcom na pamahalaan at kontrolin ang PNP,” ayon kay Vice Chair Rafael Vicente Calinisan.

Batay sa Resolution No. 2025-0552, may buong kapangyarihan si Nartatez na gampanan ang tungkulin ng hepe ng PNP.

Kabilang din sa mga kumpirmadong opisyal sina Lt. Gen. Bernard Banac bilang Deputy Chief for Administration, Maj. Gen. Anthony Aberin bilang NCRPO chief, at Maj. Gen. Robert Alexander Morico II bilang pinuno ng CIDG.

Nagpasalamat si Nartatez kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Napolcom sa tiwalang ibinigay sa kanya at nangakong pamumunuan ang PNP nang may integridad.

“Ang kumpirmasyong ito ay nagsisiguro ng matatag na pamumuno at pagpapatuloy ng serbisyo,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here