Home NATIONWIDE Mamahaling CT scan, mammogram, MRI ng Maynila, gustong masira ni Yorme

Mamahaling CT scan, mammogram, MRI ng Maynila, gustong masira ni Yorme

313
0

MANILA, Philippines – “Gusto ko nga masira ‘yan dahil sa kagagamit ng taumbayan, hindi masira dahil naka-display lang.”

Ito ang giit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa mga mamahaling makina tulad ng CT scan machine, high-tech na mammogram, MRI machine, at ultrasound na libreng magagamit ng mga Manileño sa Ospital ng Maynila (OSMA).

Ayon kay Domagoso, tatlong taon nang nasa OSMA ang mga nasabing mamahaling makina ngunit ipinagtataka umano niya kung bakit hindi ito nagagamit at napapakinabangan ng mga Manileño.

“Hindi ba nangutang ako? Binili ko ang mga makinang ‘yun three years ago pa. So bakit ko ‘yun tinatanong? Kasi nalulungkot ako, mukhang hindi naipaalam sa inyo. Kasi ang mga makinang ‘yun, hindi binili para i-display, para magamit ng tao,” pahayag ni Domagoso.

“I am now telling you to avail. I-avail ninyo, sa inyo ‘yun, pera ninyo ang ipinambili doon e. Sayang naman,” dagdag pa ni Domagoso patungkol sa mga mamahaling makina sa OSMA.

Hinimok din ni Domagoso ang mga barangay officials sa lahat ng barangay sa Maynila na ipabatid o ipagbigay-alam sa kani-kanilang mga nasasakupang residente na may mga mamahaling makina sa OSMA na maaari nilang magamit nang libre sa oras ng kanilang pangangailangan.

(Jay Reyes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here