Home NATIONWIDE Makabayan bloc, nanawagan na putulin ng PH ang ugnayan sa Israel

Makabayan bloc, nanawagan na putulin ng PH ang ugnayan sa Israel

291
0

MANILA, Philippines – Naghain ng House Resolution No. 231 ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na nananawagan sa pamahalaan ng Pilipinas na putulin ang ugnayang militar at pangkalakalan sa Israel dahil sa patuloy na “genocide” sa Gaza.

Ayon kina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Renee Co: “We demand that the Philippine government not only speak out against the genocide but also cut all forms of complicity—end military ties, arms deals, and intelligence-sharing that strengthen Israel’s occupation.”

Kinondena rin nila ang Estados Unidos sa pagbibigay ng halos $18 bilyon na tulong militar mula 2023. Giit nila: “True solidarity means upholding the Palestinian people’s right to return to their homeland and ensuring accountability for war crimes.”

Nauna nang naghain ng kahalintulad na resolusyon ang mga kongresista ng Akbayan para ipatigil ang pagbili ng armas mula Israel.

Samantala, nanawagan na rin ang Department of Foreign Affairs para sa agarang pagtigil ng digmaan sa Gaza at muling iginiit ang panukalang ceasefire na sinuportahan ng United Nations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here