Home HOME BANNER STORY ‘Red flags’ sa proposed 2026 budget ng DPWH kakalusin ni Dizon

‘Red flags’ sa proposed 2026 budget ng DPWH kakalusin ni Dizon

274
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon nitong Biyernes, Setyembre 5 na buburahin niya ang mga ‘red flag’ na nakita ng mga mambabatas sa panukalang 2026 budget matapos niyang suriin ang pondo ng ahensya sa ilalim ng National Expenditure Program o NEP.

Ayon kay Dizon, bukas sa pagbawas ng panukalang P881.3 bilyon na pondo para sa DPWH sa susunod na taon kung kinakailangan.

Aniya, kung kinakailangan baguhin ang buong budget ng DPWH, kanila itong gagawin at sasabihin sa Kamara.

Ayon pa sa kalihim, hihingi siya ng kahit isang linggo para repasuhin at ayusin ito, at kung kinakailangan ay bawasan.

Kinilala rin ni Dizon na “valid” ang mga alalahanin ng mga mambabatas at tutugunan ng DPWH ang mga alalahaning ito sa panahon ng pagsusuri. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here