Home METRO Suspek sa pamamaril sa Katipunan, sumuko na

Suspek sa pamamaril sa Katipunan, sumuko na

288
0

MANILA, Philippines – Sumuko na sa mga awtoridad ang 53-anyos na suspek na sangkot sa pamamaril-patay sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, ang suspek ay sangkot sa suntukan sa isa pang lalaki bandang 9:20 ng umaga nitong Biyernes, Setyembre 5 sa isang eskinita sa kanto ng Katipunan Avenue sa Barangay UP Campus.

“During the altercation, the suspect drew a handgun of unknown caliber from his sling bag and fired three shots to the victim’s chest and one to the head. The suspect then fled on a motorcycle, heading southbound on Katipunan Avenue,” anang pulisya.

Agad na isinugod ang biktima sa Quezon City Medical Center (QCMC) ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, QCPD Acting District Director, nagawang matunton ng Anonas Police Station 9 ang suspek sa pamamagitan ng Facebook account nito.

Sa impormasyon sa Facebook ng suspek, nakontak ng pulisya ang anak sa pamamagitan ng Messenger at ipinaalam ang pagkakasangkot ng ama sa kasong pagpatay.

Pumayag naman ang anak na kumbinsihin ang kanyang ama na sumuko na.

Nitong umaga ng Sabado, nagtungo ang joint team mula sa PS 9 at District Intelligence Division (DID) sa Tondo, Manila kung saan boluntaryong sumuko ang suspek.

Matapos ang pagsusuri sa pamamagitan ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) system, napag-alaman na ang suspek ay may dati nang kaso ng Falsification of a Public Document noong Nobyembre 2023.

Ihahain ang kasong murder laban sa suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here