Home NATIONWIDE Bersamin, dalawa pang Cabinet officials caretaker ni PBBM habang nasa Cambodia

Bersamin, dalawa pang Cabinet officials caretaker ni PBBM habang nasa Cambodia

290
0

MANILA, Philippines – Magsisilbing caretaker ng bansa sina Executive Secretary Lucas Bersamin at dalawa iba pang Cabinet secretaries habang nasa Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa state visit nito.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ang dalawa pang opisyal ay sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Si Marcos ay umalis ng bansa nitong Linggo ng hapon, Setyembre 7 para sa kanyang state visit sa Cambodia na tatagal hanggang Setyembre 9.

Inaasahang pipirmahan niya ang ilang kasunduan na may kaugnayan sa pagsugpo sa transnational crimes, higher education, air services, at iba pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here