Home NATIONWIDE Kontratistang iniimbestigahan sa pagdo-donate sa mga kandidato noong 2022 polls, nadagdagan pa

Kontratistang iniimbestigahan sa pagdo-donate sa mga kandidato noong 2022 polls, nadagdagan pa

293
0

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng siyam na contractors ang iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections na nag-donate sa mga kandidato noong Eleksyon 2022.

Sa kabuuan, sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na 43 na ang contractors na natuklasang nagdonate sa kampanya ng ilang kandidato.

Una nang isimute ng Comelec ang listahan ng 34 na contractor sa House Committee on Appropriation na tumatalakay ngayon sa national budget.

Sinabi ni Garcia na pitong senatorial, at congressional candidate ang nakinabang sa donasyon ng 43 kumpanya.

Bukod dito, nakinabang din ang 15 party-list o political parties.

Pagpapaliwanagin ng Comelec ang 43 contractors at tatanungin ng komisyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung may kontrata sa gobyerno ang nasabing mga kumpanya noong panahon na nag-donate sila sa mga kandidato.

Sa ilalim ng Omnibus Election code, bawal magbigay ng donasyon sa kampanya ang sinumang contractor o sub-contractor ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here