Home METRO Obrero, tigok kay lolo!

Obrero, tigok kay lolo!

242
0

BATANGAS, Philippines – Duguan at wala ng buhay na  nakahandusay sa kalsada nang matagpuan ang isang obrero, matapos pagbabarilin ito ng isang lolo sa Barangay Buhay na sapa, San Juan, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Guillermo, 69, naninirahan sa nabanggit na lugar, na kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tinamong tama ng bala sa parte ng katawan mula sa hindi pa matukoy na baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan Police Station dakong alas-9:10 ng umaga habang ang biktima ay solong naglalakad, bigla itong nilapitan ng suspek at pinagbabaril na agarang ikinasawi nito.

Samantala, ayon sa nakasaksi sa naganap na krimen nakilala ang suspek na si alyas Sireneo, 69, na mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Nagsaulay, San Juan, Batangas.

Patuloy ang manhunt operation ng San Juan Police Station para sa ikadarakip ng suspek kung saan nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Forensic Unit sa naganap na krimen. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here