Home NATIONWIDE Grupo ng abogado magsasampa ng kaso sa mga contractor, public official na...

Grupo ng abogado magsasampa ng kaso sa mga contractor, public official na isinasangkot sa flood control projects

403
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na magsasampa ito ng kasong civil laban sa mga kontraktor at public official na isinasangkot sa ghost flood projects.

Nabatid kay Atty. Ariel Inton President ng LCSP na ang kanilang pagsasampa ng kasong civil sa mga taong isinasangkot o dahilan ng malawakang pagbaha nitong mga nakaraan sa Metro Manila at nagdulot ng malawakang perwisyo sa mga motorista at pasahero.

Sa ginanap na  Quezon City Journalist Forum kanina Setyembre  9 (Martes) sinabi ni Inton na kabilang sa kanilang maaaring sampahan ng kaso ay ang mga matataas na opisyal ng DPWH, mga kongresista at iba pang elected  official na mapapatunayang may pagkukulang sa kanilang trabaho at maaaring ireklamo ng mga complinants.

“Magsasampa ng kaso ang LCSP  sa mga taong sangkot sa anomaly ng flood control project “ sabi pa ni Inton.

Sinabi pa ni Inton na kung ginampanan lang anya sana ng mga legislators, o opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga tungkulin ay walang mapeperwisyo sa malawakang pagbaha.

“Sa  ngayon kasi presume innocent pa ang mga isinasangkot sa flood control project dahil wala pang kasong isinasampa laban sa kanila” idinagdag pa ni Inton.

Nabatid pa sa lider ng LCSP na maaaring maging complinant ang mga residente ng Quezon City at iba pang lungsod sa Metro Manila na naaapektuhan ng malawakang baha.

Kaugnay nito nauna nang sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, kabilang sa plano nilang sampahan ng kaso ay mga government contractors at mga DPWH insiders na nagsabwatan sa mga natukoy na ghost at substandard flood projects. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here