Home OPINION HINDI NA KAYANG PIGILAN

HINDI NA KAYANG PIGILAN

240
0

SUNOD-SUNOD na ang mga pagbubunyag na nagaganap sa imbestigasyon sa Senado at Kamara na totoong kahindik-hindik pero kapani-paniwala.

Hindi lang pangalan ng mga kongresista ang pumutok mula sa bibig ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya subalit mula naman sa bibig ng mismong tauhan ni District Engineer Henry Alcantara na si Bryce Hernandez ang pangalan ng ilang senador na pasok din sa nakawan ng budget para sa flood control project.

Nagkaroon din ng epekto sa liderato ng Senado ang mga pagbubunyag at paraan ng imbestigasyon kaya nga nagkaroon ng palitan ng ulo ng Senado.

Mula sa pamumuno ni dating Senate President Francis “Chiz” Escudero, napunta kay Sen. Vicente “Tito” Sotto ang pamumuno. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin ni Escudero sa mga kasama niya ang maayos niyang pamumuno at tulong sa kaniya noong 19th at 20th Congress.

Bigla na lang din nabaligtad ang mga pangyayari sa Senado at ang dating mga kakampi nina Escudero ay biglang bumaligtad at sumama na sa dating minority na binubuo lang dati ng apat na senador.

Ngunit maitatala sa kasaysayan ng Pilipinas na ngayon lang nagkaroon ng malaking bilang ng minority sa Senado.

Ang mga senador na bumaligtad ay hindi na napigilan sa paglipat sa kabilang kampo. Siyempre dahil ayaw nilang mawalan na rin ng komiteng hahawakan.

Sa plano naman ng impeachment kay Vice President Sara Duterte, bumaligtad din kaya ang mga ito?

Hindi na nga kaya sila kayang pigilan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here