Home NATIONWIDE P2-M multa, tanggal-serbisyo ibinabala sa LGUs na makupad sa internet permits

P2-M multa, tanggal-serbisyo ibinabala sa LGUs na makupad sa internet permits

206
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na pabilisin ang pagproseso ng permits para sa telecom at internet projects o harapin ang parusa sa ilalim ng Ease of Doing Business Act.

Kaugnay ito ng pagtutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas matatag na digital connectivity.

Obligadong ipatupad ng LGUs ang pinasimpleng proseso sa ilalim ng Executive Order 32 at magtayo ng one-stop shops upang maiwasan ang red tape.

Babala ng DILG, ang mga opisyal na hindi susunod ay maaaring masuspinde, matanggal sa serbisyo, multahan ng hanggang ₱2 milyon, o makulong.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko at service providers na magsumbong ng iregularidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here