Home METRO Kaso ng dengue sa QC sumirit sa 7,686 sa 2025

Kaso ng dengue sa QC sumirit sa 7,686 sa 2025

306
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Quezon City ang kampanya kontra dengue matapos umabot sa 7,686 ang kaso mula Enero 1 hanggang Setyembre 9—126% na pagtaas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon—kasama ang 23 na nasawi.

Karamihan sa mga tinamaan ay mga batang sampung taong gulang pababa.

Pinalawak ng lokal na pamahalaan ang information drive sa mga barangay at nagsagawa ng clean-up operations para tanggalin ang pinamumugaran ng lamok.

Pinayuhan ang mga residente na magsuot ng proteksiyon na damit, gumamit ng insect repellent sa oras ng mataas na aktibidad ng lamok, at panatilihin ang tamang pagtatapon ng basura.

Bukas ang mga hotline at nagpapatuloy ang pagbabantay ng mga health worker sa mga lugar na vulnerable para sa maagang pagtukoy at gamutan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here