Home NATIONWIDE Tiangco dumepensa, Navotas may mga flood control projects dahil bahain

Tiangco dumepensa, Navotas may mga flood control projects dahil bahain

134
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Navotas Rep Toby Tiangco kay Ako Bicol Partylist Rep Alfredo Garbin na huwag ilihis ang isyu at ilantad ang katotohanan sa usapin ng korupsyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Tiangco matapos sabihin ni Garbin na mayroon ding mga flood control projects sa Navotas na naiaward sa kontrobersiyal na St Timonthy Construction na pagtmamay ari ng magasawang Sara at Curlee Discaya at sa Syms Contruction Trading.

Ayon kay Tiangco hindi sya miyembro ng Bicam Conference Committee kaya ang tanging magagawa nya para masolusyunan ang pagbaha sa Navotas ay himingi ng pondo sa national government at hindi mag-insert ng budget.

“I could not have made any insertion kasi hindi ako member ng Bicameral Conference Committee. P529M was the amount approved in the Bicam from the requests for additional funding for Navotas. All I can do is make a request and the Bicam decides. So hindi ba mas lalong nakapagtataka kung bakit si Zaldy Co was able to insert P13,803,693,000 to some districts that did not even ask for it? Dagdag pa rito, papaanong nakapag-insert ang Ako Bicol Party-list ng P2,295,000,000 at ang Barangay Health Wellness Party-list ng P2,064,000,000 samantalang ang limit ng ibang party-lists ay nasa P100 to P150 million lang?” paliwanag ni Tiangco.

Giit ni Tiangco na ang pagbaha sa Navotas ang numerong isyu na dapat tugunan.

“Navotas lies downstream of the Tullahan River and is below sea level during high tide. Ibig sabihin, ang tubig ng high tide mula dagat at ilog ay mas mataas kaysa sa lupa ng Navotas. Therefore, flooding is really the number one issue that needs to be addressed. Napakaimportante ng flood control projects dahil apektado ng baha ang maraming aspeto ng buhay, gaya ng kaligtasan, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at negosyo ng bawat Navoteño”giit nito.

Nilinaw ni Tiangco na wala syang kinalaman sa mga flood control projects sa Navotas taliwas sa alegasyon sa kanya.

“Ang paggawa ng program of works at ang pagbi-bid ng projects ay hindi saklaw ng aking tanggapan, at ‘yan ay bagay na never kong pinapakialaman. I don’t even ask the Department of Public Works and Highways kung sino ang nanalong bidders sa mga project. In fact, the first time I asked the DE (District Engineer) was nu’ng lumabas ‘yung top 15 contractors to check if merong projects ang mga ‘yun sa amin sa Navotas. The second time was to ask kung sure ba siya na okay lahat ng projects ng lahat ng contractors even those na hindi kasama sa top 15 na nabanggit ng Pangulo and the DE confirmed na okay lahat. At kung may matuklasan akong kalokohan sa projects, ako ang unang-unang magrereklamo” dagdag pa ni Tiangco.

Sinabi pa ni Tiangco na hindi sya ‘Cong-tractor’ kaya wala syang kinalaman sa mga ganitong proyekto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here