Home OPINION MGA KORAP, MANDARAMBONG KALUSIN NA!

MGA KORAP, MANDARAMBONG KALUSIN NA!

280
0

MAGANDANG makalkal lahat ang kabulukan sa flood control projects mula noong panahon ni ex-President Digong Duterte at ngayo’y Pres. Bongbong Marcos o mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2025.

Batay sa opisyal na rekord ng Department of Public Works and Highways mula 2016 hanggang 2022 o anim na taong administrasyon ni Digong, nasa P592 bilyon ang kabuuang badyet galing sa General Appropriations Act.

Sa kabilang banda, ayon naman mismo kay Marcos, may P545B naman ang inilaan sa unang tatlong taon niyang panunungkulan mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2025 at masasabing halos mapantayan nito ang anim na taong badyet ni Digong.

Gayunman, ayon sa Senate Legislative Budget Research Monitoring Office o LBRMO, may P1.2 trilyon na inilaan sa flood control projects noong 2022-2025.

Kung tama naman ang sa Senate LBRMO, doble ang inilaki ng badyet sa unang tatlong taon ni Marcos kumpara sa anim na taon ni Duterte.

Ngayon naman, mga brad, nakalulula ang halagang P350B sinasabi mismo ni Marcos na kinukulapulan ng korapsyon at pinakagrabe rito ang ghost projects at double ghost projects.

Iba naman ang halos 30-40 porsyento na lang ang natitira sa 100 porsyentong badyet dahil nilalamon ng mga korap at mandarambong ang 70-30% ng badyet.

Magkakasabwat ang mga kontraktor, taga-Palasyo, kongresman at ilang senador sa pagkorap at pagdambong sa pondo rito na nagbubunga ng mga baha at landslide na nagbubunga rin ng kamatayan, pagkakasakit, labis na paghihirap at iba pa ng mga mamamayan.

Dahil dito, naalala natin ang nagaganap sa bansang Nepal na sinusunog ng mga mamamayan ang mga bahay ng mga mambabatas, Prime Minister at iba pawang mga korap at mandarambong.

Sana hindi hahantong sa ganitong kalagayan ang Pinas.

Ngunit paano nga kung mapundi ang mga mamamayan at gagawa ang mga ito ng mga pagkilos na kalusin ang lahat ng mga korap at mandarambong sa anomang paraan?

Pesteng yawa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here