Home NATIONWIDE Binatilyo pinagtulungan bugbugin, sinaksak pa sa pistahan sa Cebu

Binatilyo pinagtulungan bugbugin, sinaksak pa sa pistahan sa Cebu

251
0

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 17-anyos na lalaki matapos bugbugin at saksakin ng grupo ng mga kabataan sa kasagsagan ng pista sa Danao City, Cebu, madaling-araw ng Biyernes, Setyembre 12.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas “Ivan,” isang obrero at residente ng Purok Bulahan, Barangay Taboc.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi ng Setyembre 11, dumalo si Ivan at kanyang mga kasama sa selebrasyon sa Barangay Poblacion nang habulin umano sila ng grupo ng mga suspek.

Dakong alas-3 ng madaling-araw, nahuli si Ivan ng grupo sa Pio del Pilar Street kung saan pinagtulungan siyang bugbugin at saksakin sa likod gamit ang patalim.

Agad siyang dinala sa Cebu Provincial Hospital sa Danao City at ginagamot ngayon.

Sa follow-up operation na pinangunahan ni Police Lt. Eric Fronda ng Danao Police Station, naaresto ang dalawang suspek na edad 18 at 15, pawang residente ng Barangay Tuburan Sur at Barangay Taytay.

Samantala, dalawa pang suspek mula Barangay Looc ang pinaghahanap pa.

Kinumpirma ng pulisya na inihahanda na ang kasong attempted homicide laban sa mga naarestong suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here