MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ni DPWH Sec. Vince Dizon ang proseso ng pagbawi sa pera ng kaban ng bayan sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Dizon na makikipagpulong siya sa Anti-Money laudering Council (AMLC) para ma-freeze at ma-forfiet ang mga ari-arian at kayaman ng mga personalidad na sangkot sa flood control projects ngayong araw.
Ayon kay dizon hindi sapat na makulong lang ang mga taong sanhi ng pagbaha sa bansa.
Giit ng kalihim, dapat maibalik ang pera ng taong bayan na ninakaw.
Sinabi ni Dizon na lahat ng kanilang kakasuhan ay may kaakibat na reklamo sa AMLC para mabawi ang pera ng taumbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden