Home NATIONWIDE Cayetano: Coup laban kay Sotto, laging may posibilidad

Cayetano: Coup laban kay Sotto, laging may posibilidad

252
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Lunes na posibleng magkaroon muli ng leadership shakeup sa Senado, ngunit giit niya, hindi ito aktibong pinaplano ng minorya.

“May timing ‘yan eh. Kaka-upo lang nila, syempre solid pa sila. Hindi pa namin napag-usapan sa minority na kung meron mang papalit, sino. Pumayag sila na ako ang minority leader. Wala pang nag-uusap as a group kung sino ang Senate President,” ani Cayetano.

“Ngayon, kung may discontent sa 15 [senador], problema nila ‘yun, hindi namin problema ‘yun. So sila nag-bring up, tapos sila din babaril, sila din magsasabing may plot. Eh sila nga nagpa-plot, election pa lang sinasabi nga papalitan nila si Senator Escudero,” dagdag pa ng senador.

“We are minding our own business… With all due respect, Mr. Majority, mind your own business also,” dagdag ng senador.

Nang tanungin kung tatanggihan nila kung may lilipat mula sa majority, sagot niya: “So ‘pag lumapit sa amin ngayon, siyam kami, ‘pag lumapit sa’min apat at sinabi majority [kami] tatanggihan namin? Pero ako, ni isang senador na majority, wala akong kinausap,” paliwanag pa niya.

Samantala, iginiit ni Sotto na nananatiling solid ang 15-member majority bloc.

“The Senate president is always in office because of the trust and confidence of his colleagues… If the majority wants a different Senate President, so be it,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here