Home NATIONWIDE Badyet ng DOST at PH Space Agency para sa 2026, tinalakay sa...

Badyet ng DOST at PH Space Agency para sa 2026, tinalakay sa Senado

280
0

MANILA, Philippines – Pinamunuan ni Senadora Camille A. Villar ang pagdinig ng Finance Subcommittee L ukol sa panukalang badyet ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Space Agency (PhilSA) para sa 2026.

Binigyang-diin ni Villar ang mahalagang papel ng agham, teknolohiya, at inobasyon sa paglago ng ekonomiya at pambansang kaunlaran. “Binubuksan ng mga sektor na ito ang mga pinto para sa ating kabataan, nagpapalakas sa ating kakayahan sa pananaliksik, at nagbibigay ng mga solusyon sa mga hamon sa agrikultura, klima, kalusugan, at sakuna,” aniya.

Partikular sa PhilSA, tinutukan ang pagpapalakas ng pamumuhunan sa teknolohiya ng kalawakan para sa food security, pamamahala, pambansang seguridad, environmental monitoring, at komunikasyon. Ayon kay Villar, mahalaga ring maipaliwanag kung paano makikinabang ang mga magsasaka, mangingisda, at lokal na komunidad na pinakaapektado ng natural na kalamidad at climate change.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here