MANILA, Philippines – Pinamunuan ni Senadora Camille A. Villar ang pagdinig ng Finance Subcommittee L ukol sa panukalang badyet ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Space Agency (PhilSA) para sa 2026.
Binigyang-diin ni Villar ang mahalagang papel ng agham, teknolohiya, at inobasyon sa paglago ng ekonomiya at pambansang kaunlaran. “Binubuksan ng mga sektor na ito ang mga pinto para sa ating kabataan, nagpapalakas sa ating kakayahan sa pananaliksik, at nagbibigay ng mga solusyon sa mga hamon sa agrikultura, klima, kalusugan, at sakuna,” aniya.







