Home ENTERTAINMENT Issa, nang-iinggit daw kay Nadine!

Issa, nang-iinggit daw kay Nadine!

263
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay pinupulutan pa rin ng mga tsismosang kapitbahay ang naging post ni Issa Pressman sa kanyang Instagram story.

Sa nasabing post, makikita kung paano siya alagaan ng kanyang boyfie na si James Reid.

Katunayan, marami ang nainggit na nagpapantasya kay James sa klase ng espesyal na pag-aalaga ng singer-actor sa kasintahan.

Hindi lang siya binalot ng kumot ni James kundi kinalong at pinatulog pa na parang baby habang nakahiga sa kama.

Bagay na hindi nagawa ni James sa kanyang ex na si Nadine Lustre.

Takaw-pansin din ang caption niya sa reel na: “When it’s time of the month, and you’re boyfriend wraps you up with comfort. Hahahaha! Yes, yes and yes!”

Sey tuloy ng kibitzers, may halong pang-iinggit daw ang emote ni Issa sa ex ni James na si Nadine.

May mga nagmamahadera namang nagsasabing ill-advised si James dahil hindi makatutulong ang pa-PDA nila ng girlfriend sa tambalan nila ni Kathryn Bernardo.

Lalabas tuloy na sa halip na may mabuong kilig sa KathJames ay baka raw lumabas na panira pa si Issa.

Ito ang hirit ng kibitzers nang mapag-usapan sa isang portal.

“Nadine left the group.”

“Hahaha. Nang-inggit si teh.“

“Sey niya, ako ang nagwagi, Nadz dahil ako ang pinili. Hehehe.”

“Wala bang nag-aadvise kay James. Dapat tigilan muna nila ang pa-PDA nila ni Issa. Hindi siya makatutulong sa promo ng serye ng KathJames.”

“Oo nga. Panira siya sa KathJames.”

“Huwag nang idamay si Nadz. Pareho na silang naka-move on sa kanilang love life.”

“Kainggit naman pero never na naging ganyan ka-showy si James kay Nadine.”

“Di ba nga, wala na raw JaDine kasi ayaw niyang ma-hurt si Issa.”

“Sana huwag na muna siyang umeksena. Hindi iyon makakatulong kay James lalo na’t ngayon lang uli nagbabalik sa pag-arte  ang boyfie niya.”

 “Obvious na sobrang mahal ni James si Issa.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here