Home OPINION PBBM SA TAO: MAG-RALLY KAYO! TAO KAY PBBM: MAG-RESIGN KA!

PBBM SA TAO: MAG-RALLY KAYO! TAO KAY PBBM: MAG-RESIGN KA!

271
0

ANO kaya ang mangyayari sa magkasalungat na panawagan ukol sa rally laban sa korapsyon at pandarambong?

Magkasalungat dahil inaayunan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga tao na mag-rally laban sa mga korap at mandarambong, ngunit siya mismo ang pinagre-resign ng mga raliyista kahapon.

Para idiin ni Marcos ang kanyang punto, sinabi niyang kung hindi lang siya Presidente, lalahok din siya sa mga rally at malinaw na inililibre at inihihiwalay niya ang sarili sa mga korap at mandarambong.

Gayunman, laban naman sa kanya ang mga rally at hindi lang sa mga nais niyang sentro ng batikos gaya ni nagbitiw na House Speaker Martin Romualdez.

Naganap ang mga rali sa Luneta at Mendiola, Edsa Shrine at iba pang mga lugar sa bansa gaya sa Baguio City, Tuguegarao City, Cebu City, Bacolod City, Davao City, Malolos City at iba pa.

Saan kaya patutungo ang mga rally na nagwakas kahapon sa ilang lugar ngunit inaasahang magpapatuloy sa ibang mga lugar?

Bagaman lahat ng mga raliyesta, kasama ang mga dating sundalo at pulis, eh, pinupursige ang mapayapang mga rally, paano kung patungo ito sa mga higit sa pagbatikos at pagpapa-resign kay Marcos at iba pang matataas na opisyal na pinaniniwalaang sangkot sa korapsyon at pandarambong at pang-aabuso sa tungkulin?

Higit pa, alalahaning nagkaroon na tayo ng People Power 1086 na hindi lang ang pagkalos sa mga namumuno ang naganap kundi pagbabago mismo ng sistema mula sa batas militar sa demokrasya, kasabay ng pagkakaroon ng bagong mga pinuno.

Dito pa nabuo ang 1987 Konstitusyon na sinasabing taliwas sa 1973 Konstitusyon.

Ano kaya ang gagawin mismo ni Marcos o ang mga pwersang militar at pulisya na may kasaysayan nang tumiwalag sa Pangulo ng Pilipinas bilang commander-in-chief at ipasa ang panunungkulan sa iba?

At binasbasan ito ng mga simbahan at maging ng Korte Suprema.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here