Home NATIONWIDE Mga kaanak ng mga naaresto sa rally, sumugod sa MPD

Mga kaanak ng mga naaresto sa rally, sumugod sa MPD

286
0

MANILA, Philippines – Sumugod na sa harapan ng Manila Police District (MPD) headquarters ang mga magulang at kaanak ng mga naarestong mga raliyista sa magulong protesta na isinagawa nitong Linggo, Setyembre 21.

Bagamat malakas ang ulan ay hindi umaalis sa harap ng headquarters ang mga kaanak at umaasa na sila ay kakausapin ng mga pulis.

Ilan sa kanila ay nagsasabing nadamay lamang ang kanilang anak, ang iba naman ay namimigay lamang umano ng pagkain at hindi naman talaga kasama sa mga mabayolenteng protesta ng mga kabataan.

Nauna nang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na lahat ng naarestong kabataan sa nangyaring kaguluhan sa Ayala Bridge, Mendiola at Recto ay may kaakibat na parusa na kanilang pagbabayaran.

Aniya, may mga tinitignan pa lalo na may mga napabalita na mga instigator o nagplano na magbigay ng pera o nagpondo sa ilang indibidwal na nangggulo sa Recto noong gabi.

Ngayong hapon, sumugod din ang grupo ng militanteng grupo sa MPD headquarters sa UN Avenue sa Maynila pasado alas-3 ng hapon upang ipanawagan ang pagpapalaya sa mga kabataan na ang ilan dito ay mga menor de edad.

Pinuna rin ng grupo kung bakit ayaw papasukin ng MPD ang mga magulang at abogado ng mga inaresto na anila ay may karapatang pantao din. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here