MANILA, Philippines – Inanunsyo ng PAGASA nitong Martes ng umaga na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Nando (international name “Ragasa”) alas-8 a.m., Setyembre 23.
Gayunman, nananatiling nasa ilalim ng Signal Nos. 1 hanggang 3 ang ilang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa malalakas na ulan at hangin. Kabilang dito ang mga bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Babuyan Islands, Batanes, Abra, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Pangasinan, Zambales, Tarlac, at Nueva Ecija.
Ayon pa sa PAGASA, ang low-pressure area sa labas ng PAR ay naging tropical depression at patuloy na binabantayan. RNT