Home NATIONWIDE 2 Taiwanese recruiter, arestado; 5 Pinoy nasagip sa NAIA

2 Taiwanese recruiter, arestado; 5 Pinoy nasagip sa NAIA

226
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang dalawang Taiwanese national na nasa likod ng illegal recruitment ng mga Pinoy para sa scam hubs sa ibang bansa, habang nasagip naman ang limang naghahangad na maging overseas Filipino workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City noong Lunes.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration, Philippine National Police–Women and Children Protection Center, Bureau of Immigration, Inter-Agency Council Against Trafficking, at NAIA Task Force Against Trafficking.

“The arrest of these illegal recruiters and human traffickers is our bold and firm message to protect our kababayan from exploitation,” ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Ang mga suspek na Taiwanese ay naharang habang ini-escort ang mga biktima, kabilang ang tatlong lalaki at dalawang babae, na pinangakuang magkakatrabaho sa Cambodia bilang “customer service representatives.”

Sinabi ni Cacdac na ang mga biktima ay naakit sa pamamagitan ng social media at messaging platforms, na may pangako ng buwanang suweldo mula USD800 hanggang USD1,000 (humigit-kumulang PHP45,000 hanggang PHP58,000).

Nang maglaon, kinumpirma ng mga imbestigador na ang mga alok ng trabaho ay kathang-isip lamang at nauugnay sa mga operasyon ng cyberfraud na lumalaganap sa Southeast Asia.

Sinabi ng DMW na nahaharap ang dalawang Taiwanese national sa kasong illegal recruitment at human trafficking sa ilalim ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act at Anti-Trafficking in Persons Act. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here