Home NATIONWIDE Palasyo walang reaksyon sa kaso ng ICC vs FPRRD

Palasyo walang reaksyon sa kaso ng ICC vs FPRRD

328
0

MANILA, Philippines – NO REAX ang Malakanyang sa ginawang pagsasampa ng kaso ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“No reaction,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Tatlong bilang ng kasong murder laban sa 80-anyos na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa isang detention facility sa Netherlands ang isinampa ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y naging papel nito sa pagpatay ng hindi bababa sa 76 katao sa panahon na ipinatutupad niya na “war on drugs”.

Batay sa isinapublikong 15-pahinang dokumento ng ICC, ini­rekomenda ng Deputy Prosecutor na humarap sa paglilitis ang dating pa­ngulo kaugnay ng kanyang kasong crimes against humanity.

Kabilang sa mga kaso laban kay Duterte ang (1) mga pagpaslang sa Davao City noong siya ay ­alkalde, (2) mga pagpaslang sa tinaguriang “high-value targets” sa buong bansa noong siya ay pangulo, at (3) mga pagpaslang at tangkang pagpaslang sa mga Barangay Clearance Ope­rations sa buong bansa noong siya ay pangulo.

Ayon sa dokumento, mananagot si Duterte bilang isang “indirect co-perpetrator” sa tinaguriang “common plan” na umano’y isinagawa ng mga grupo mula sa kapulisan, mga sibilyan, at ng Davao Death Squad bilang bahagi ng kanyang war on drugs campaign.

Matatandaan na isinuko ng gobyerno ng Pilipinas si Duterte sa ICC noong Marso. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here