MANILA, Philippines – May clearance na mula sa Office of the Ombusman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na requirement ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng Ombudsman.
“May clearance na. Nasa JBC na,” pahayag ni Remulla sa panayam sa media.
“I will not conclude anything. It’s self-serving to conclude anything, pero I have clearance already,” saad ni SOJ nang tanungin ng media kung nangangahulugan ito na wala nang nakabinbing reklamo laban sa kanya sa Ombudsman.
Isa si SOJ Remulla sa 17 aspirants na sumalang sa public interview noong nakaraang buwan para sa posisyon sa Ombudsman matapos magretiro si dating Ombudsman Samuel Martirez.
Pero naghain naman si Senator Imee Marcos ng reklamo laban sa kanya noong May 2025 kasama ang iba pa kaugnay sa umano’y illegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso.
Ibinasura ng Ombudsman ang mga reklamo ngayong buwan, ngunit naghain si Marcos ng motion for reconsideration noong Setyembre 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden