MANILA, Philippines – Dapat kumuha ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang third-party private auditing firm para matiyak na ang mga proyekto ng gobyerno kabilang ang mga flood control projects ay maipapatupad nang maayos, sinabi ni Surigao del Sur Representative at dating DPWH Undersecretary Romeo Momo nitong Miyerkules, Setyembre 24.
Ayon kay Momo, ito ang nakagawian noong siya ay nagsilbi bilang DPWH Usec sa ilalim ni dating Secretary Rodelio Singson mula 2010 hanggang 2016, panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Nabanggit din ni Momo kung paano naging mahigpit si Singson sa paglabas ng pondo sa Disrict Engineering Offices (DEO) na tumatanggap lamang ng P50 milyon hanggang P100 milyon kada proyekto.
Dagdag pa niya, mahigpit din si Singson sa pagtatalaga ng mga tauhan ng DPWH.
Hinikayat din ni Momo ang lingguhang inspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno, na aniya ay ginawa noong panahon pa nila sa DPWH. Jocelyn Tabangcura-Domenden