Home HOME BANNER STORY Pilipinas, nanguna sa pinaka-disaster-prone country sa mundo

Pilipinas, nanguna sa pinaka-disaster-prone country sa mundo

382
0

MANILA, Philippines – Itinanghal ang Pilipinas bilang pinakadelikadong bansa sa mundo pagdating sa sakuna ngayong 2025 WorldRiskIndex, na may “very high” risk score na 46.56.

Ang ulat, na inilabas nitong Miyerkules ng Germany’s Bündnis Entwicklung Hilft at Ruhr University Bochum, ay nagsabing malaki ang banta dahil sa heograpikong pagkakahati-hati ng bansa at matinding exposure nito sa mga kalamidad.

Nanguna ang Pilipinas sa 193 bansa, kasunod ang India, Indonesia, Colombia, at Mexico. Kabilang din sa Top 15 ang ilang bansa sa Asya gaya ng Myanmar, China, Bangladesh, Papua New Guinea, at Vietnam.

Ayon sa ulat, pasok ang 10 lugar sa pinakamataas ang panganib ng pagbaha sa:

1. Cagayan – 88.10

2. Agusan del Norte – 87.51

3. Pangasinan – 85.19

4. Pampanga – 83.49

5. Maguindanao – 82.94

6. Metropolitan Manila – 81.12

7. Camarines Sur – 75.77

8. Misamis Oriental – 73.66

9. Camarines Norte – 72.69

10. Isabela – 71.23

Samantala, tinukoy naman ang Metro Manila at Laguna bilang halimbawa kung paano nakatutulong ang urban planning at maayos na drainage system sa pagbawas ng panganib.

Lumabas ang ulat habang sunod-sunod na tumatama ang mga bagyo sa bansa at patuloy ang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control project na tinatayang nagdulot ng lugi na aabot sa trilyong piso. Nagsampa na ng kasong graft ang DPWH laban sa 25 indibidwal at apat na kontratista. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here