Home NATIONWIDE Malawakang flood control anomaly, ‘di kakayanin ng ICI – Rep. De Lima

Malawakang flood control anomaly, ‘di kakayanin ng ICI – Rep. De Lima

272
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na walang sapat na kakayahan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nilikha ng Palasyo upang hawakan ang lumalawak na iskandalo ng flood control projects.

“This is the biggest corruption scandal in our history, and we cannot address it with partial solutions. Hindi sapat at hindi kakayanin ng ICI na imbestigahan ang napakalawak na katiwaliang ito gamit lang ang limitadong kapangyarihan nito,” ani De Lima sa isang pahayag nitong Huwebes.

Hinikayat niya ang DOJ at Ombudsman na pabilisin ang pagsasampa ng mga matitibay na kaso. Giit niya, mas naging mahalaga ngayon ang agarang pagpasa sa House Bill No. 4453 na magtatatag ng independent commission na may malawak na kapangyarihang mag-imbestiga at maglabas ng subpoena.

“Manatili po tayong mulat. Dahil sa bawat pinapangalanan, pwedeng may pinagtatakpan… habang may nagbibigay linaw, may pilit nagpapalabo at nanggugulo,” babala ni De Lima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here