Home HOME BANNER STORY 14 nasawi sa hagupit ng nagdaang 3 bagyo

14 nasawi sa hagupit ng nagdaang 3 bagyo

266
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 14 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Opong at naunang dalawang bagyo, habang mahigit 5,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Walo ang naitalang patay sa Cagayan Valley, tig-tatlo sa Central Luzon at Cordillera mula sa epekto ng Opong, Mirasol, at Nando. Dalawa pa ang nawawala at 17 ang sugatan.

Aabot sa 1.2 milyong katao sa 11 rehiyon ang naapektuhan ng tatlong bagyo, na sumira ng ₱794.8 milyong halaga ng imprastraktura at ₱38.5 milyon sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Philippine Coast Guard, 5,520 pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded sa 118 pantalan, habang 2,701 rolling cargoes, 114 vessels, at 53 motor banca ang pansamantalang nakasilong.

Itinaas ng PAGASA ang gale warnings sa silangan at kanlurang baybayin ng Luzon at Visayas, habang bumibilis si Opong patungong Romblon matapos mag-landfall sa Eastern Samar at Masbate. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here