Home NATIONWIDE 82 barangay sa Iloilo City, lubog sa baha

82 barangay sa Iloilo City, lubog sa baha

292
0

MANILA, Philippines – Nasa 82 barangay sa 180 barangay sa pitong distrito ng Iloilo City ang lubog sa baha, ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nitong Biyernes, Setyembre 26.

Kabilang sa mga matinding nalubog sa baha ay ang bahagi ng Jaro District, kung saan umabot sa 40 inches ng baha ang naitala sa Barangay Calubihan, at 35 inches naman sa Barangay Camalig.

Umakyat naman sa 15-20 inches ang baha sa Mandurriao District, partikular sa Barangays Tabucan at Taft North, habang 14-16 inches naman sa Sitio Sapa ng Lapuz Norte.

Nakapagtala naman ng 5 hanggang 15 inches ng baha ang mga barangay sa Molo, City Proper, La Paz, at Arevalo districts.

Agad naman inilagay sa heightened alert ang rescue teams, barangay risk reduction units, at emergency response clusters para tulungan ang mga residente sa low-lying areas.

Naka-standby naman ang evacuation centers at nakahanda rin ang relief packs.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Iloilo City Emergency Operations Center sa mga opisyal ng barangay para sa real-time monitoring. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here