Home OPINION PARTYLIST AT KAWATAN AT COMELEC

PARTYLIST AT KAWATAN AT COMELEC

266
0

MALINAW mula sa mga pahayag ni Commission on Elections Chairman George Garcia na pwedeng ma-disqualify ang kandidatong tumatanggap ng campaign fund mula sa mga kontraktor na may transaksyon sa gobyerno.

At sa pangkalahatan, ang diskwalipikasyon ay pupwedeng isagawa sa mga araw ng kampanya o buong mga araw ng halalan.

Pero kapag nanalo na ito gaya ng isang district congressman o senador kaya, mayroon pa bang kapangyarihan ang Comelec na maghabol sa nanalo at nakaupo nang kongresman o senador?

Paano naman ang partylist na nanalo at ang representative nito ay nakaupo na sa Kamara at nasasangkot sa kikbak ang representative, halimbawa sa flood control project, at napatunayang sangkot nga ang representative?

Meron bang kapangyarihan ang Comelec na sibakin ang partylist representative sa pamamagitan ng pagsibak sa partylist na kanyang kinakatawan dahil sa pagkakasangkot ng una sa iskam, kagaya nga sa flood control project scams na iniimbestigahan ngayon ng Senate blue ribbon committee?

Pupwede bang sibakin ang partylist mismo at burahin ito sa listahan ng Comelec para hindi na makasali sa anomang halalan dahil sa pagkakasangkot ng representative nito sa mga iskam?

Nagtatanong tayo dahil may partylist nang dinis-qualify sa pagsali sa halalan batay sa iba’t ibang dahilan at kung ganun, sibak din ang representative nito kahit nakaupo na ito.

Sa ibang salita, pupwede bang kasama ang pangingikbak ng representative na batayan ng diskwalipikasyon ng partylist?

Nagtatanong din tayo dahil sa paglitaw ng ilang partylist na ginagamit sa pagnanakaw o pambubulsa ng salaping bayan.

At malamang kaysa hindi na nakikinabang mismo ang mga partylist sa mga ninenenok ng kanilang mga representative.

Kung pupwedeng madisqualify ang isang regular na politiko gaya ng mga district congressman o senador dahil sa pagtanggap ng kontribusyon mula sa mga kontraktor na may kontrata sa gobyerno, hindi rin kaya pupwede ring ma-disqualify ang partylist representative magnanakaw at ang partylist mismo na tiyak na nakikinabang sa pagnanakaw?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here