Home TOP STORIES Russian drone, missile umatake sa Kyiv; 4 utas, higit 10 sugatan

Russian drone, missile umatake sa Kyiv; 4 utas, higit 10 sugatan

272
0

KYIV, Ukraine – Nagpakawala ang Russia ng mga drone at missiles sa Ukraine magdamag nitong Linggo, na ikinasawi ng hindi bababa sa apat na tao.

Ito ang unang malaking pambobomba mula noong isang air attack ang isinagawa sa Kyiv, na ikinasawi ng hindi bababa sa 21 katao noong nakaraang buwan.

Kinumpirma ni Tymur Tkachenko, pinuno ng Kyiv City Administration, ang mga nasawi noong Linggo sa pamamagitan ng Telegram at sinabing 10 iba pa ang nasugatan sa pag-atake na tumutok sa mga sibilyang lugar sa buong lungsod.

Isang 12-anyos na babae ang kabilang sa mga namatay. Makikita ang makapal na itim na usok mula sa isang pagsabog malapit sa sentro ng lungsod.

“The Russians have restarted the child death counter,” saad ni Tkachenko sa Telegram.

Nagpaputok ang Russia ng kabuuang 595 na sumasabog na drone at decoy at 48 missiles, sinabi ng air force ng Ukraine nitong Linggo.

Bukod sa Kyiv, sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na target din ang mga rehiyon ng Zaporizhzhia, Khmelnytskyi, Sumy, Mykolaiv, Chernihiv, at Odesa.

Isinulat ni Zelenskyy sa X na hindi bababa sa 40 katao ang nasugatan sa buong bansa. Nang maglaon, sinabi ng Ministri ng Ukraine na ang bilang ng mga nasugatan ay tumaas sa 70, na may higit sa isang daang sibilyan na bagay ang nasira. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here