Home NATIONWIDE PinaSigla Family Health Fair sa Luneta, ibinida ng DOH

PinaSigla Family Health Fair sa Luneta, ibinida ng DOH

342
0

MANILA, Philippines – Inaanyayahan ng Department of Health ang publiko na makiisa sa PinaSigla Family Health Fair na gaganapin sa Burnham Green, Luneta Park sa darating na October 4 at 5.

Lahat ng aktibidad sa health fair ay libre kabilang ang iba’t ibang health services, wellness activities, at family-friendly programs.

Maaring magparehistro online ang mga interesado sa aktibidad o kaya’y mag-walk-in sa araw ng kaganapan.

Makakatanggap ang lahat ng participants ng event passport at welcome items.

Layunin ng health fair na itaguyod ang mas malusog na pamumuhay at ipakita na sa ilalim ng kampanyang Bagong Pilipinas, tunay na mahalaga ang bawat buhay.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official Facebook page ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here