Home NATIONWIDE Halos 400 aftershocks naitala sa M-6.9 na lindol sa Cebu

Halos 400 aftershocks naitala sa M-6.9 na lindol sa Cebu

302
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Miyerkules na umabot na sa 379 ang naitalang aftershocks matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu. Tatlo lamang ang naramdaman, na may lakas mula magnitude 1.4 hanggang 4.8.

“Inaasahan natin na magkakaroon pa ng mga aftershocks in the next few days. Sometimes the aftershocks last for several weeks,” ayon kay PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol, na nagsabing unti-unti ring bababa ang bilang at lakas ng mga ito.

Pinayuhan niya ang mga residente na huwag munang bumalik sa mga bahay na may pinsala nang hindi sumasangguni sa mga municipal o city engineers.

“If there are visible damages… kung hindi man ito totally na-damage during the main shock, baka ma-damage ito totally during a strong aftershock,” babala niya.

Nagkaroon ng lindol alas-9:59 ng Martes ng gabi, tectonic ang pinagmulan at may lalim na limang kilometro. Nauna nang iniulat ng OCD na 26 ang nasawi at 147 ang sugatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here