ZAMBOANGA, Philippines – May kabuoang 150 pamilya, kabilang ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at mga residente mula sa conflict-vulnerable communities sa Zamboanga del Norte, ang muling nagsisimula matapos makatanggap ng mga housing unit mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of the Presidential Adviser on Peace and Unity (OPRU).
“Ngayong araw, itong mga tulong at proyekto na matatanggap ninyo ay hindi lang galing sa pamahalaan—ito ay bunga rin ng inyong pagsisikap. Kaya atin po itong alagaan at pagyamanin,” Undersecretary Alan Tanjusay of the DSWD’s Peace and Development Group (PDG) sabi ni Secretary Rex Gatchalian.
Ang turnover ng mga housing units sa ilalim ng Modified Shelter Assistance Project (MSAP) ay ginanap noong Miyerkules (Oktubre 1) sa anim na barangay sa munisipalidad ng Sirawai sa Zamboanga del Norte—nakinabang ang 39 na miyembro ng MNLF at MILF at 111 miyembro ng komunidad mula sa conflict-vulnerable at apektadong mga lugar.
Ayon sa DSWD nakibahagi rin ang mga benepisyaryo sa cash-for-work (CFW) program, kung saan tumulong sila sa pagtatayo ng mga bahay. Ang bawat kalahok ay nagtrabaho ng 30 araw at nakatanggap ng pang-araw-araw na sahod na Php351.
Upang higit na palakasin ang mga oportunidad sa kabuhayan, dalawang asosasyon ng kabuhayan—Sipakit at Panabutan—ay pinagkalooban din ng seed capital funds sa ilalim ng PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) Program, na nagbibigay kapangyarihan sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan sa pamamagitan ng sustainable income projects at peace-promoting economic initiatives.
“Ang DSWD, sa liderato ni Secretary Rex Gatchalian, ay mananatiling kasama ninyo—hindi mapapagod, hindi magsasawa, at hindi titigil sa pagsisilbi. Ipagpapatuloy natin ang pagpapalawak ng kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na minsang nakaranas ng sigalot, para sa bawat isa ay muling makaramdam ng buhay na matiwasay at puno ng pag-asa,” Undersecretary Tanjusay.
Kaugnay nito nagpahayag ng pasasalamat si Zamboanga del Norte Governor Darel Dexter Uy sa DSWD at OPAPRU sa paghahatid ng mga tahanan na hindi lamang eco-friendly kundi makayanan din ang mga natural na panganib—na nagbibigay sa mga benepisyaryo ng pangmatagalang seguridad. (Santi Celario)