Home NATIONWIDE 10 lugar nanganganib sa storm surge

10 lugar nanganganib sa storm surge

271
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng storm surge warning ang PAGASA nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 3, para sa 10 probinsya sa Luzon habang papalapit si Severe Tropical Storm Paolo.

Ayon sa ahensya, maaaring umabot sa 2.1–3 metro ang taas ng storm surge sa Aurora, Cagayan, at Isabela.

Posible ring umabot sa 1–2 metro ang taas sa Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quezon, at Zambales.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring bahain ang mabababang baybaying lugar at pinayuhan ang publiko na umiwas sa dalampasigan, kanselahin ang mga gawaing pandagat, at subaybayan ang mga susunod na abiso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here