Home NATIONWIDE Singapore handang umayuda sa Cebu quake victims

Singapore handang umayuda sa Cebu quake victims

247
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Singapore ang kahandaang tumulong sa Pilipinas sa relief at recovery efforts matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu at Central Visayas.

Sa isang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpaabot ng pakikiramay si Prime Minister Lawrence Wong at sinabing bilang kaalyado sa ASEAN, “handa ang Singapore na tumulong.”

Nagpahatid din ng pakikiisa sina Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Iniulat ng NDRRMC na hindi bababa sa 72 ang nasawi at daan-daan ang sugatan dahil sa lindol. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here