MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa Aeta communities sa Porac, Pampanga, pagtiyak ito na patuloy ang suporta ng gobyerno na naglalayong paghusayn ang kalidad ng buhay at pigilan ang mga ito na bumalik sa kalye para mamalimos.
Sa isinagawang programa sa Katutubo Village, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pag-turnover ng 60 kalabaw at 30 carabao-drawn carts para ma- reintegrate ang mga Aetas sa pamamagitan ng Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inanunsyo rin ng Chief Executive ang distribusyon ng mga kagamitan sa bukid at P10,000 na cash assistance sa bawat 1,200 benepisaryo.
“Ito po ay bahagi lamang ng aming mahabang programa. Hindi po ito lamang. Patuloy po kung ano ‘yung pangangailangan po na makakapagpaganda, magdadala ng kaunting ginhawa sa buhay ninyo, magpapaganda sa buhay ninyo at hindi nyo na inaalala kung paano nyo pinapakain ang inyong pamilya. Paano kayo maghahanap buhay? Paano kayo magkakaroon ng kaunting kita,” ayon sa Pangulo.
“Iyan po ang aming pangarap na maiabot ninyo yung ganong klaseng ginawa sa inyong buhay at nandito po ang pamahalaan. Asahan po ninyo na lagi, lagi po kaming nandito na tumutulong sa inyo. Nandito po ang inyong pamahalaan,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Pag-abot Program, ang mga Aeta beneficiaries ay makatatanggap ng pinansiyal, transportasyon o relocation aid, transitory shelter, livelihood and employment assistance, at maging psychosocial support.
Ang event ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na i-promote ang sustainable Agriculture o Likas kayang pagsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga benepisaryo ng mahalagang tools para sa ‘land preparation, goods transport, at daily farming activities.’
Winika ng Pangulo na ang gobyerno ay naggagalugad ng paran upang makapagbigay ng mas marami pang tulong at hikayatin ang mga benepisaryo na mag- reach out kung mayroon silang pangangailangan.
“Kaya iyan po ang pag-iisip ng inyong pamahalaan at nandito po para tumulong, para pagandahin ang buhay ninyo, para makatulong pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino, para pagandahin ang ating minamahal na Pilipinas,” anito.
Sa kabilang dako, may kabuuang 127 Aeta beneficiaries ang matagumpay na nakasama sa pamamagitan ng DSWD Pag-abot Program sa Porac, Pampanga.
“The reintegrated Aetas came from a community whose primary economic activity relied on farming, such as cultivating crops, raising small livestock, and poultry production, facing common challenges including limited access to roads for transporting their products and inadequate access to basic services,” ayon sa ulat.
Samantala, namahagi rin si Pangulong Marcos ng Brigada backpacks pra sa mga estudyante ng Katutubo Village Elementary School, kasama ang dalawang Starlink units para gawing mahusay ang internet connectivity sa lugar. Kris Jose