Home OPINION SSS MEMBERS AT PENSIONERS, MAAARING NANG MAG-APPLY NG BAGONG SSS ID...

SSS MEMBERS AT PENSIONERS, MAAARING NANG MAG-APPLY NG BAGONG SSS ID AT DEBIT CARD

446
0

SIMULA nitong October 1, 2025, tatanggap na ang SSS ng aplikasyon para sa MySSS Card. Unang magpapatupad nito ang RCBC sa pamamagitan ng digital arm nitong DiskarTech.

Ayon kay SSS president at chief executive officer Robert Joseph De Claro, dalawang pangunahing layunin ang tinutupad ng MySSS Card, ito ay nagsisilbing opisyal na ID kapalit ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card, at nagsisilbi rin bi­lang debit card na nakakabit sa isang savings account.

Ang card ay ipamamaha­gi sa pamamagitan lamang ng mga partner banks ng SSS. Mag­­sisimula ito sa Rizal Commercial Banking Corporation at susundan ng iba pang bangko kagaya ng Asia United Bank, China Bank, at Union Bank of the Phi­lippines. Dagdag pa ni PCEO De Claro, awtomatikong magsisilbing pangunahing disbursement account ng mga miyembro ang MySSS Card.

Available ang MySSS Card sa lahat ng SSS members, pensionado, claimants, benepisyar­yo, at representative payees na may mga sumusunod na requi­rements:

May permanent SS number;

May aktibong account sa My.SSS Portal na may updated na personal na detalye (local add­ress, mobile number, at email);
Nakarehistro sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa ilalim ng National ID System (PhilSys).

Maaaring mag-aplay ang mga may lumang SSS, UMID, o dating ID card upang palitan ito ng bagong MySSS Card. Simple lamang ang proseso – mag-aplay sa My.SSS, pumili ng partner bank, at pumayag sa data sharing sa pagitan ng SSS, National ID system, at bangko. Pagkatapos ng online verifica­tion at identity confirmation, bu­buksan ang account sa pama­magitan ng mobile app o pagpunta sa branch. Para sa RCBC, DiskarTech app ang gagamitin.

Ang partner bank ang ga­gawa at magdi-distribute ng card. Para sa mga residente ng Metro Manila, matatanggap ito sa loob ng 15 working days, samantalang 20 working days naman para sa mga nasa labas ng Metro Manila.

Tinukoy ni PCEO De Claro na ang paglulunsad ng MySSS Card ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng pamahalaan na pinangungunahan ni DOF Secretary at SSC ex-officio chairperson Recto upang lalo pang ma­pahusay ang serbisyo ng SSS.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here