Home NATIONWIDE Usap-usapan ng kudeta itinanggi ni Brawner

Usap-usapan ng kudeta itinanggi ni Brawner

271
0

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga alegasyong nakikipagsabwatan umano ang militar sa mga retiradong heneral at relihiyosong grupo para patalsikin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sabay-babala na anumang tangkang kudeta ay makasisira sa bansa.

“The coup rumors are not true. I myself was surprised when I saw the article,” pahayag ni Brawner sa isang forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines.

Tinutukoy niya ang kolum ng mamamahayag na si Manny Mogato, na nagsabing may isang retiradong heneral at isang malaking religious group umano ang nagtangkang hikayatin ang isang Army commander na bawiin ang suporta kay Marcos.

Ayon kay Brawner, hinarap niya mismo ang nasabing mamamahayag matapos siyang tukuyin bilang opisyal sa ulat.

“If you’re referring to me, I can tell you directly that I did not talk to any religious group. I did not plan a coup d’état with the secretary of national defense directed by the CIA,” aniya, tinutukoy ang US Central Intelligence Agency.

Nanawagan si Brawner sa mga mamamahayag na beripikahin muna ang mga impormasyon bago ilathala dahil maaaring magdulot ito ng pangamba sa bansa at sa mga kaalyadong dayuhan.

Inamin ng AFP chief na noong Setyembre 21, kasabay ng ika-52 anibersaryo ng Martial Law, may ilang grupo ang hayagang nanawagan sa militar na bawiin ang suporta sa Pangulo.

“There were recruitment activities, sad to say, by some retired officers trying to reach out to younger officers, to commanders, even to me. But there were no such events or activities that transpired. The AFP stood its ground,” wika niya.

Tinawag niya itong isang “litmus test” sa propesyonalismo ng kasundaluhan.

“We came out victorious because none of our members heeded those calls,” dagdag niya.

Ikinumpara rin ni Brawner ang sitwasyon ngayon sa mga kudeta noong dekada ’80, partikular ang madugong 1989 coup attempt laban kay dating Pangulong Corazon Aquino.

“In 1989, we saw soldier against soldier, brother against brother, fighting. We don’t want this to happen again,” aniya.

Binalaan din niya na ang anumang tangkang pabagsakin ang gobyerno ay magdudulot ng matinding pinsala sa ekonomiya at tiwala ng mga mamumuhunan.

“Before, the coups were against the president. Now it is the president who is pointing out corruption,” sabi ni Brawner, sabay-diin na buo ang tiwala ni Marcos sa AFP sa paglilinis ng mga proyekto ng pamahalaan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here