Home METRO P2.1-M ‘tobats’, nasabat sa loob Antipolo City Jail

P2.1-M ‘tobats’, nasabat sa loob Antipolo City Jail

345
0

ANTIPOLO CITY, Philippines – Umabot sa P2,176,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang inspeksyon sa loob ng Antipolo City Jail Male Dormitory, iniulat kahapon sa Barangay San Jose.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Antipolo, ikinasa ang anti-drug operation na “Oplan Linis Piitan” dakong alas-6 ng umaga Oktubre 4, 2025.

Habang nagsasagawa ng inspeksyon, isang jail officer ang nakadiskubre ng ilang sachet at plastic pack ng shabu na itinago sa air exhaust duct ng Dorm 5, na tumitimbang ng humigit-kumulang 320 gramo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung paano naipasok ang mga ipinagbabawal na droga sa loob ng piitan. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here