Home ENTERTAINMENT Regine, nagpahayag ng takot sa bansa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Regine, nagpahayag ng takot sa bansa!October 8, 2025 14:523230 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Sa Instagram ibinuhos ni Regine Velasquez ang kanyang saloobin sa mga nangyayari sa bansa.Partikular na tinumbok ng Asia’s Songbird ang talamak na korapsyon.Maging siya’y apektado ng ginagawang walang habas na pagnanakaw ng mga taga-gobyerno pa mandin.Tinawag ni Regine na makakapal ang mukha ang mga taong ’yon, na pag naubos ang perang ninakaw ay magtuturo lang ng iba at magnanakaw uli!“We continue to pay our taxes na pinagpapaguran natin. Baka pag gising natin isang araw, pati hangin, may tax na!” emote pa niya.Wari’y nawawalan na rin ng gana si Regine sa umiiral na sistema kaugnay ng mga nangungurakot.Aniya, most likely daw ay wala sa kanila ang mapaparusahan nang dahil sa pandarambong.“Helpless” ang terminong ginamit ni Regine sa mga kababayan nating patuloy na ninanakawan ng mga korap na indibidwal.Nabanggit din ni Regine ang kanyang kasalukuyang edad, na ilang taon na lang ang ilalagi sa mundo.“I’m 55. Sana’y maranasan ng mga taong tulad ko na ilang taon na lang dito sa mundo ang isang maayos na Pilipinas!” sabi niya.In her dreams. — Ronnie Carrasco III