Home NATIONWIDE Comelec: 6 Senate candidates, tumanggap ng donasyon mula sa mga kontraktor

Comelec: 6 Senate candidates, tumanggap ng donasyon mula sa mga kontraktor

308
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na anim na kandidato sa pagka-senador noong 2022 ang tumanggap ng campaign donations mula sa mga kontraktor ng gobyerno, na labag sa Omnibus Election Code (OEC).

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, tatlo sa kanila ay kasalukuyang senador, habang ang tatlo naman ay hindi nanalo sa halalan.

“Kinumpirma natin na maaring tatlo ay incumbent at ang tatlo ay hindi pinalad sa elections,” ani Garcia.

Sinabi ni Garcia na kabilang sa mga nagbigay ng donasyon ang 55 kontraktor na kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa illegal campaign contributions.

Hindi pa pinangalanan ng Comelec ang mga kandidato habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, ngunit humiling na ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng certification upang matukoy kung ang mga kontraktor ay may kasalukuyang kontrata sa gobyerno noong panahon ng kampanya.

Batay sa Article XI, Section 95 ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal sa mga kontraktor ng gobyerno na magbigay ng kontribusyon, direkta man o hindi direkta, sa mga kandidato. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here