Home HOME BANNER STORY Bilang ng nasawi sa lindol sa Davao Oriental umakyat na sa 8...

Bilang ng nasawi sa lindol sa Davao Oriental umakyat na sa 8 — OCD

351
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa walo ang naiulat na nasawi sa magkakasunod na lindol sa Davao Oriental nitong Biyernes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD), bagaman isinasailalim pa ito sa beripikasyon.

Ayon kay OCD Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV, tatlo ang nasawi sa Davao Oriental, apat sa Davao de Oro, at isa sa Davao City. Tinatayang 267,000 katao sa Region XI at 210,272 sa Caraga ang naapektuhan, habang nasa 11,000 evacuees ang nananatili sa 18 evacuation centers.

Ang bayan ng Manay, Davao Oriental ang pinakamatinding naapektuhan. Sinabi ni Alejandro na hindi gumagana ang Davao Oriental Provincial Hospital sa Manay at labis nang napupuno ang mga ospital sa Mati at karatig-lugar. Nagpapatayo na umano ang Department of Health ng mga pansamantalang medical tent at pasilidad.

Nanawagan din si Alejandro sa publiko na manatiling kalmado at sumunod sa mga tagubilin ng mga disaster official dahil patuloy pa rin ang mga aftershock. “Our priority is your safety. Rest assured that all government agencies are on the ground,” aniya.

Tiniyak naman ng Malacañang ang tuloy-tuloy na pagtulong. “The President’s paramount concern is the safety and well-being of our people… all concerned agencies were tasked to work round the clock to provide rescue and relief operations,” ayon kay Acting PCO Secretary Dave Gomez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here