Home NATIONWIDE DSWD, naglaan ng halos P200-M ayuda sa mga biktima ng lindol sa...

DSWD, naglaan ng halos P200-M ayuda sa mga biktima ng lindol sa Davao at Cebu

298
0

MANILA, Philippines – Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halos ₱200 milyon na ayuda para sa mahigit 280,000 pamilyang naapektuhan ng mga lindol sa Davao Oriental at Cebu.

Ayon kay DSWD Disaster Response Bureau Director Maria Isabel Lanada, kabilang sa tulong ang family food packs, hygiene kits, at iba pang non-food items para sa 203,493 pamilya sa Manay, Davao Oriental, at Bogo City, Cebu.

Magpapatupad din ang DSWD ng Emergency Cash Transfer (ECT) upang matulungan ang mga pamilyang muling makabangon.

Sa Davao Oriental, tinatayang ₱3.7 milyon halaga ng ayuda ang naipamahagi, habang ₱214 milyon naman sa Cebu. Naipadala na rin ang ikalawang batch ng food packs sa mga apektadong lugar.

Niyanig ng magkasunod na lindol na may lakas na magnitude 7.4 at 6.8 ang Davao Oriental nitong Biyernes, habang isang magnitude 6.9 na lindol ang tumama sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here