Home METRO Halos 11,000 aftershocks naitala sa lindol sa Cebu — Phivolcs

Halos 11,000 aftershocks naitala sa lindol sa Cebu — Phivolcs

404
0

MANILA, Philippines – Nakatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng halos 11,000 aftershocks matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa karagatan ng Cebu noong Setyembre 30.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 10,914 ang naitalang aftershocks hanggang alas-3 ng hapon ng Oktubre 11, kung saan 1,886 ang na-plot at 45 ang naramdaman sa mga karatig-lugar. Umabot sa magnitude 1.0 hanggang 5.1 ang lakas ng mga pagyanig.

Paliwanag ng ahensya, bahagi ito ng normal na pag-aayos ng kalupaan matapos ang malakas na tectonic na lindol.

Patuloy namang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga lokal na pamahalaan sa mga kalsada, tulay, at gusali para matiyak ang kaligtasan ng mga residente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here