Sisimulan na ng Commission on Elections ang pag-imprenta ng mga official ballots at accountable forms na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa inilabas na abiso ng Comelec, inabisuhan ng ahensya ang lahat ng kaugnay na stakeholders, kabilang ang political parties, citizen’s arms, at media organizations hinggil sa nasabing aktibidad.
Mangyayari ito sa Lunes, Oktubre 13, 2025, ala-1:00 ng hapon sa National Printing Office (NPO), EDSA cor. NIA North Road, Diliman, Quezon City.
Samantala, muling magsasagawa ng voter registration para sa BSKE mula Oktubre 21, 2025 hanggang Mayo 8, 2026.